Seminar para sa kaalaman at karapatan ng mga consumer isinagawa ng DTI Laguna

Nagsagawa ng isang seminar ang Department of Trade and Industry Laguna Office upang mas magkaroon ng tamang kaalaman sa kanilang karapatan ang mga consumer. Isinagawa ang Seminar sa Parian, Lungsod ng Calamba at tinalakay ang mga importanteng dapat malaman ng isang consumer sa ilalim ng Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines. Tinalakas dito ang walong karapatan ng consumer at ang limang responsibilidad naman ng mga ito. Nagasagawa rin ang DTI Laguna ng assessment para sa DTI Bagwis Program sa isang establisimiyento sa lugar. Sa pamamagitan ng seminar ay umaasa ang ahensya na mas magiging mapanuri ang mga mamimili sa pagpili at pagbili ng mga produkto sa merkado.

Samantala nakiisa din ang DTI Laguna kasama ang DTI CALABARZON Office sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga tindahan at iba pang establishments sa lalawigan na may kaugnayan naman sa Republic Act 4109 o ang Law on Product Standard. Partikular dito ang sinusunod na standard sa fire extinguishers. Nagbigay ng notice o violation ang ahensya sa ilang nakitang may depekto o paglabag sa batas at binigyan naman ng hanggang 48 hours ang mga nakitang hindi sumusunod sa Law on Product Standard.

Naniniwala ang Department of Trade and Industry na ang consumer na may kaalaman ay ang mga pinaka protektadong mamimili.