Senator Win Gatchalian suportado ang paglalagay ng body camera sa mga pulis operations

Hinihingi ng taumbayan ang mas malinaw na pananagutan ng mga awtoridad sa paglaban ng mga ito sa iligal na droga sa bansa. Ito ang sinabi ni Sen. Win Gatchalian sa ipinadalang statement sa Bandilyo TV kaugnay ng kanyang pagsuporta sa karagdagang pondo upang makabili ng mga body camera o action camera para gamitin ng mga pulis tuwing mayroong operasyon ang mga ito. Sa pamamagitan anya ng mga ito ay magkakaroon ng accountability sa mga kapulisan at magagamit ang footage ng camera bilang ebidensya kung mayroon anomalya maling nangyari sa isang operasyon.

Ayon kay Gatchalian, base anya sa inilabas na report ng US Department of Homeland Security ang isang unit ng body camera na kanilang ginagamit ay nagkakahalaga ng mula anim na libong piso hanggang limampung libong piso. Magkakaroon pa rin anya ng kagastusan sa pangangalaga sa mga ito at gastos pa rin para pag-a-archive o pagtatabi ng mga video files ng mga operasyon ng mga awtoridad. Sinabi pa sa statement ni Sen. Gatchalian na hihingi siya ng detalyadong report sa PNP upang makita kung magkano ang kailangang ipondo ng pamahalaan sa pagkakaroon ng mga body camera ng kapulisan.