Serbisyo para sa mga ka-distrito tuloy tuloy lang –Bokal Beth Sio

Patuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa mga taga-ikalawang distrito sa Lalawigan ng Quezon, ito ang sinabi ni 2nd District Board Member Beth Sio sa exclusive interview ng Bandilyo TV. Ayon sa bokal, hindi lamang sa isang linya tumutulong ang kanilang opisina, nagsasagawa anila sila ng mga aktibidad upang makatulong sa mas maraming kababayan.

Ibinahagi naman ni Bokal Beth Sio ang kanyang karanasan sa paghalili bilang presiding officer at vice governor sa mga pagkakataong aalis o magli-leave si Vice Governor Sam Nantes.

Pabiro sinagot ni Bokal Sio ang tanong kung masarap ang pakiramdam kapag siya ang bise gobernador. Natatawa nitong sinabi na parang artista na tila pumipirma lamang ng autograph anya ang pakiramdam dahil sa dami ng pinipirmahang papeles.