Serbisyong Tama Caravan ng Pamahalaang panlalawigan ng Laguna nagtungo sa Liliw

Nagsagawa ng panibagong Serbisyong Tama Caravan ang mga kawani ng Pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa bayan ng Liliw. Isinagawa ang pagbibigay serbisyo sa bayan sa Mojon Elementary School sa pareho ring pangalan na barangay. Nagbigay ng serbisyong medikal at dental ang mga doktor at tumanggap naman ng mga kaukulang gamot ang mga nagpatingingg residente ng Liliw, Laguna. Nagbigay din ng kaukulang salamin sa mata matapos ang eye check-up na kasama rin sa Serbisyong Tama Caravan ng pamahalaan. Bukod naman sa medical services ay nagpakain din sa mismong lugar ng okasyon at namahagi rin ng iba’t ibang uri ng pananim sa mga residente na nais magkaroon ng pananim na puno o halaman sa kanilang bakuran. Nag-alok din ng libreng masahe ang ibang kabahagi ng caravan at mayroon ding libreng check-up para sa mga alagang hayop ng mga taga-Liliw, Laguna.

Inanunsyo naman ng opisina ni Laguna Governor Ramil Hernandez na magtutungo ang caravan sa Cabuyao sa November 10 na mag-uumpisa alas-otso ng umaga. Gagawin ito sa Barangay hall ng Barangay Poblacion 3. Parehong serbisyong medikal at iba pang paglilingkod ang ihahatid ng mga kawani ng pamahalaan sa mga residente ng Cabuyao.