SK Chairman Nadera, pangunahing layunin na maiiwas ang mga kabataan sa droga

Tiniyak ni Lucena City SK Federation President Patrick Norman Nadera na nakatuon ang kanilang mga proyekto para sa mga kabataan tulad na lamang ng DanSKool sa pangunguna ni Nadera noong Nobyembre 23, 2018 kasama ang lahat ng mga SK Chairman ng barangay sa lungsod kung saan humataw ang bawat grupo ng mga mananayaw na kalahok sa patimpalak na ang tema ng kanilang pagsasayaw ay mailayo ang mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Nadera, pangunahing layunin niya na maiiwas ang mga kabataan sa iligal na droga at sa halip ay makatulong ang mga ito na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Kailangan umano na maipaliwanag sa mga kabataan na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay at hindi solusyon ang pagdodroga.