State of the Province Address ni Quezon Gov. David Suarez matagumpay na naisagawa!

Naging matagumpay ang ikapitong SOPA o State of the Province Address na ginanap sa Quezon Convention Center sa Capitol Grounds sa Lungsod ng Lucena. Dinaluhan ito ng mga alkalde ng mga lungsod at bayan ng lalawigan, ganun din ang lahat ng sanggunian ng mga bayan at lungsod sa Quezon. Pasado alas-nueve nag umpisa ang programa sa pag-awit ng pambansang awit ng bansa at ang pormal na pagbubukas ng joint session na inumpisahan ni Quezon Vice Governor Sam Nantes bilang Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan. Sinundan naman ito ng mga bise-alkalde ng mga bayan at lungsod sa pag bubukas ng joint session.

Matapos ang pormal na pagbubukas ng joint session ng mga sanggunian at masundo ng apat na bokal ng lalawigan ng Quezon si Governor David Suarez ay sinuspinde ang internal rules upang makapag-report ang gobernador sa kanyang State of the Province Address. Sa talumpati naman ng gobernador ay ibinandilyo nito ang mga accomplishments ng Pamahalaang panlalawigan at ang mga proyektong ipapatupad pa ng pamahalaan sa mga susunod na panahon.