Switch on ng mga pailaw sa pasko at awitin para sa bayan ng Pagbilao isinagawa

Matagumpay na naisagawa ng pamahalaang bayan ng Pagbilao sa lalawigan ng Quezon ang kanilang opisyal na switch on ng Christmas display sa munisipyo ng bayan at sa Pagbilao park na katapat nito. Sa opisyal na pagbubukas ay napuno ng magagandang ilaw ang parke na nakapagbigay naman ng ngiti sa mga labi ng mga nagsidalo sa okasyon. Namangha at humanga rin ang mga taga-Pagbilao sa fireworks display na ginawa alinsabay ng programa para ngayong panahon ng kapaskuhan.

Opisyal ding inilunsad ng Pamahalaang bayan ng Pagbilao ang awitin para sa kanilang bayan na may titulong PagbilaoWIN ako! na komposisyon ni Danielle John Galang. Ayon sa lokal na pamahalaan ay hinangaan ng mga nakarinig mula sa Pagbilao at kalapit na mga lugar ang kanta dahil sa masiglang melody nito at makabayang tema.

Dumalo naman ang mga opisyal ng pamahalaang lokal ng pagbilao sa okasyon kasama si Mayor Shierre Ann Palicpic at kanyang pamilya at mga karaniwang mamamayan ng bayan na sumusuporta sa pamahalaan.