Tanauan Police hindi nagta-trabaho laban sa droga kaya pinalitan, hindi totoo –Mayor Antonio Halili

Naglabas ng pahayag si Tanauan City Mayor Antonio Halili sa naging pahayag ni CALABARZON Police Director Chief Superintendent Aplasca na kaya inalis ang mahigit walumpung tauhan ng PNP sa Tanauan City ay dahil hindi nagpe-perform ang mga ito pagdating sa kapanya sa iligal na droga. Pinabulaanan ito ng Tanauan City mayor at sinabing base sa datos ng BJMP ay makikita anyang marami sa mga na-commit na makulong sa ahensya ay may kaso na kaugnay sa iligal na droga.

Sa pahayag ay sinabing sa kabuuang 308 na indibidwal na na-commit sa BJMP hanggang noong May 3, 241 o 78% ng kabuuan ay naaresto sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga na. Ang mga ito anila ay may nakasampang kaso sa mga korte sa Tanauan City at dinidinig. Sinabi pa ni Mayor Halili na baka raw nabibigyan ng maling impormasyon ang CALABARZON Police Chief kaya nagpalabas na ng pahayag si Mayor Halili ng Tanauan City.

Si Tanauan City Mayor Antonio Halili ay nahalal noong 2013 at hanggang sa kasalukuyan ay isa sa mga tinutuligsa ng Commission on Human Rights dahil sa ginagawa nitong “walk of shame” sa mga nahuhuling drug user o pusher sa kanilang lungsod. Pinapalakad ni Halili ang mga nahuhuli sa mga lansangan ng Tanauan na may nakalagay na placard na nagsasabing sangkot ang mga ito sa iligal na droga.