TBDOTS sa Quezon Medical Center patuloy ang pagseserbisyo sa mga Quezonians

Sa layuning makapag-serbisyo ng mabuti sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Quezon ay mayroon na ring TBDOTS Clinic sa Quezon Madical Center. Ang TBDOTS o Tuberculosis Direct Observation Scheme ay sistema ng gamutan na ibinibigay ng pamahalaan. Sineserbisyuhan ng bagong klinika ang mga out at in-patiend na kliyente na may problema o sakit na TB. Ayon kay head nurse Maria Corazon Fajardo ay mayroong iba’t ibang ginagawang trabaho ang mga nurses upang mas episyente ang pagbibigay ng serbisyo sa mga pasyente. Sinabi rin nito na may mga doktor na nagpapapalit palit ng schedule upang makapagpa-konsulta ang mga may sakit.

Para naman sa mga may nauna nang paggagamot ayon kay Fajardo ay tinatanggap din ng kanilang klinika pero kailangan munang kumuha ng clearance mula sa gene expert ng Quezon Medical Center. Ginagawa anya ito upang masuri ang pasyente at mabigyan ng mas epektibong gamot para sa sakit na TB ang isang indibidwal.

Ipinagmalaki naman ni Fajardo na sa buong Quezon ay Quezon Medical Center lamang ang mayroong sariling gene expert.