Torete

Dear Diary,

Mabuti na lamang hanggat maaga ay nakapagdesisyon ako na hindi na ako kakandidatong Vice Governor sa 2016 eleksyon, at tatapusin ko na lamang ang aking isa pang termino sa pagkabokal. Eh kasi naman Diary naisip ko na masyadong mabigat ang laban sa pagka vice governor ngayong 2016, dahil tatlong mabigat ang makakalaban ko! Isa pa Diary, mukhang hindi ako gusting makatandem ng aming gobernador. Mukhang namimili siya dun sa tatlong maglalaban-laban at kung sino ang malakas ang siya niyang gagawing vice gob. Hindi yata ako kasali kaya toreteng-torete ako, Diary

Diary alam ko na sure winner ako kapag bokal ang aking muling tatakbuhan. Kahit pa nga muling kakandidato at magbabalik sa arena ng pulitika ang isa kong dating kasama sa sanggunian. Yung isa pang kakandidatong bokal ay kapatid ng Boss ng mga dilawan! Yung anak ng Bossng dilawan na talunan noong nakaraang eleksyon ay gusto rin yatang muling kumandidatong bokal.

Naghahangad din yata ito na maging national figure na siyang papalit sa kanyang ama pagdating ng tamang panahon. Ang mga makakalaban ko sana ay incumbent na Vice Gob na talagang matindi pa rin ang makinarya na minana sa kanyang yumaong ama kaya mabigat at mahirap talunin. Ang isa pa ay artista naman na mabigat ding kalaban dahil may resources na tiyuhin! Dating nakulong na bigating pulitiko na ngayon ay mayor ang posisyon! Ang pangatlo ay pinsan ni kampon na kasalukuyan ng nagpapakilala sa buong lalawigan aja ja ja ja…..he he he

 Diary nakakasiguro naman sana ako na panalo sa pagka-bokal sa darating na eleksyon. Dahil kapag kumanta na sa entablado ay siguradong boto ang kapalit nito. Yung isang bokal na singkit ang ewan ko kung muli siyang mananalo sa ikalawa niyang termino! Ang balita ko kasi, sawa na ang mga tao sa ginagawa niyang pagpunta sa mga okasyon kahit hindi naman kumbidado! Diary sadyang matindi ang labanan ngayong 2016 eleksyon kung sakaling vice gov ang aking tatakbuhan. Kulang ako sa resources at kung sakaling hindi ako suportahan ni governor siguradong sa kangkungan ang lagabong ko imbes na sa bubong! Hanggang dito na lamang Diary, maraming salamat, at more power plant sa aming lahat!

 

Lubos na gumagalang,

Bokal Llamadista