Trade Fair para sa Buwan ng Kooperatiba isinagawa sa Laguna

Bilang pakikiisa naman ng Lalawigan ng Laguna sa buwan ng mga kooperatiba ay nag-organize ng isang trade fair ang lokal na pamahalaan sa Time Plaza sa bayan ng Sta. Cruz. Pinangunahan ni Atty. Dulce Rebanal, Provincial Administrator ng Lalawigan ng Laguna ang pormal na pagbubukas ng Koop Kalakalan sa plaza sa kapitolyo ng lalawigan. Tampok sa trade fair ang iba’t ibang produkto na maaaring mabili ng sinomang bibisita na pawang mga gawa mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Laguna. Pinangunahan naman ng mga Small and Medium Enterprises ang mismong trade fair at idinisplay ang kanilang mga produkto upang mabili at makilala ng mga tao.

Katuwang naman ng lokal na pamahalaan ng Laguna ang Provincial Cooperative Development Office sa pangunguna ni Mr. Edwin Bautista. Inumpisahan ang trade fair sa Time Plaza sa bayan ng Sta. Cruz noong Oktubre katorse at natapos naman ngayong araw ng Biyernes, October 20.