Training ng mga Coaches sa Lalawigan ng Batangas, pagpapalakas ng kakayanan!

Nagsagawa ang Provincial Assistance for Community Development (PACD) Office ng Coaches Training para sa mga sports na Boxing, Takewondo, Volleyball at Table Tennis sa Batangas Provincial Capitol kamakailan. Ang limang araw na training program ay kinapapalooban ng 2 araw na pagtuturo tungkol sa coaching isa mga nabanggit na sport, 2 araw para sa officiating at 1 araw na practicum o mini tournament para aktwal na magamit ang mga natutunan ng mga participants.

Ang mga nagsidalo ay mula sa mga Local Government Units ng lalawigan, mga guro mula sa pampubliko at pribadong paaralan ng Batangas Province at kinatawan ng iba’t ibang sports clubs. 40 coaches ang mga sumali sa bawat sport para madagdagan ang kanilang kaalaman mula sa mga trainors ng Philippine Sports Commission.

Sa pagbubukas training, naging tagapagsalita si “Shaq” Delos Santos, ang champion head coach sa UAAP at kasalukuyang Head Coach ng Far Eastern University Women’s Volleyball Team, na mula sa bayan ng Cuenca, Batangas. Suportado naman ni Gov. Dodo Mandanas ang aktibidad at nagbigay din ng inspirational message sa mga nagsidalo.