Tulong sa Panukulan: Agri inputs at medical mission

Natungo ang iba’t ibang kawani ng mga opisina ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ng Alona Partylist sa bayan ng Panukulan upang magbigay ng kinakailangang ayuda para mga mga mamamayan nito.Namigay ng Agricultural inputs ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist Office sa mga magsasaka sa bayan upang makatulong sa kanilang pagkakakitaan. Nagsagawa rin ng medical at dental mission sa bayan ng Panukulan at nabigyan ng mga kinakailangang gamot ang mga residente at nakapagpa-bunot naman ng ngipin ang ilan. Kasama rin ang Q1K team ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon at nakiisa sa aktibidad. Nagsagawa ng pre-natal check-up ang mga ito sa mga buntis at nagbigay ng mga kinakailangang supplies para sa mga ito.

Nagpasalamat naman ang mga residente ng Panukulan sa Lalawigan ng Quezon sa kanilang natanggap na biyaya mula sa pamahalaan.