Twining and weaving equipment ipinamahagi sa bayan ng Unisan, Quezon

Tumanggap ng mga kagamitan para sa paggawa ng iba’t ibang produkto mula sa niyog ang limang barangay sa bayan ng Unisan sa Lalawigan ng Quezon upang makatulong sa kanilang kabuhayan. Limang set ng twining ang weaving equipment ang tinanggap ng mga barangay Punta, Malvar, Pag-aguasan at Kalilayan Ilaya mula sa pamahalaan. Ang twining at weaving equipment at siyang gamit upang makapag-produce ng mga twine rope na ginagamit naman upang magawa ang mga geo-net. Ginagamit na proteksyon ang geo-net sa mga lupang may tsansang gumuho o mag-erode. Sa pamamagitan ng geo-net, maaari pa ring makatubo ang mga halaman o puno na siyang lalong magpapatibay laban sa soil erosion.

Pormal ding binuksan samantala ang isang kilometrong farm-to-market road sa bayan ng Unisan na inaasahan naman lalong magpapabilis ng pagdadala ng mga produkto ng limang barangay sa kanilang target market at mas mabilis na kumita. Dumalo sa turn over ceremonies si ALONA Partylist Cong. Anna Suarez, Provincial Agriculturist Robert Gajo at Unisan Vice Mayor Danilo Suarez Jr. Nagpasalamat din ang mga residente ng limang barangay sa natanggap nilang ayuda dahil malaking bagay anila ito sa kanilang mga hanap-buhay.