Upstyle Concept Store bukas na sa Lungsod ng Lucena

Matagumpay na naisagawa sa Lungsod ng Lucena ang opening ng bagong tindahan ng mga damit at iba pang kagamitan sa araw araw ng mamamayan. Isang success ang pagbubukas ng Upstyle Concept Store na nasa Enverga Street corner Quezon Avenue sa poblacion ng Lungsod ng Lucena. Ayon sa may-ari na si Ms. Ellen Joyce Tan, nais nilang mag-offer ng iba’t ibang klase ng kasuotan, accessories at iba pa na dekalidad pero abot-kaya ang presyo. Hindi rin anya kailangang laging mamahalin ang isinusuot na damit o accessories upang maging maganda ang isang tao o maporma para sa mga kalalakihan. Ang Upstyle Concept Store ayon pa kay Ms. Ellen ay swak na puntahan kahit ng mga nagba-budget sa kanilang pagbili.

Halimbawa aniya dito ay ang Eskinita products na sa ganda ng mga damit ay hindi mo aakalaing halos isang daang piso lamang ang halaga. Mayroon ding mga survival gear ang Eskinita para sa mga mahilig mag-adventure kasama ang mga kaibigan at pamilya. Ang Eskinita products ay available sa Upstyle Concept Store na nasa Evergra Street corner Quezon Avenue sa kabayanan sa Lungsod ng Lucena ay bukas mula Lunes hanggang Sabado, alas-nueve ng umaga hanggang ala-siyete ng gabi.