Wala pang Board Member sa Quezon na lumilipat ng partido –BM Beth Sio

Sa mga nakaraang araw ay na ipahatid na ng Bandilyo TV na may mga halal na opisyal ng mga bayan at lungsod sa Lalawigan ng Quezon na naglipatan na ng partido. Ang pinakahuling Bandilyo ay ang paglipat ni Tayabas City Mayor Aida Reynoso at ilan pang mga konsehal ng lungsod kabilang ang anak nito, Konsehal Lovely Reynoso. Sa exclusive interview naman ng Bandilyo TV kay 2nd District Board Member Beth Sio ay sinabi nitong nagpupunta sila sa imbitasyon ng ibang partido. Ayon pa sa bokal, sa kanyang paniniwala ay hindi anya importante kung ano ang partido basta’t mahal ng taumbayan ang isang opisyal. Wala din anya siyang nababalitaang lilipat ng partido sa kanyang kasamahang bokal.

Idinagdag naman ni Bokal Sio na kahit dumadalo sila sa ilang pagpupulong ay wala silang natatanggap na pormal na offer o imbitasyon para lumipat ng political party. Kahit anya ganito ang sitwasyon ay mayroon daw silang direktang access sa pangulo ng bansa at mismong ito rin daw ang nagsabing hindi importante kung ano ang political affiliation sa pagsisilbi sa kapwa.

Si Bokal Beth Sio ng ikalawang distrito ng Lalawigan ng Quezon ay miyembro ng Liberal Party.

Matatandaang halos isang linggo pa lamang ang nakakalipas ng mapabalita at kumpirmahin sa Bandilyo TV ni Mayor Aida Reynoso ng Tayabas na lumipat na nga sila ng political party kasama ang ilang konsehal.